Kailangan ko talagang ihiwalay ang TDG 2 appreciation post kesa sa 1 kasi pag isinama ko pa ang TDG 2 sa 1 sobrang hahaba yun hahaha tapos wala lang para saken may sari-sariling charm ang book 2 at book 1. Kung ang book 1 ay more on kulitan lovey dovey college romance ang book 2 naman ang mature, medyo madrama at may angst na love story. Pero syempre meron pa rin ng same ingredients ang book 1 at book 2 dahil parehas pa rin nandyan ang presence ng friendship , humor (ang benta lang ng mga jokes sa books 1 & 2 hahaha) , grand romantic gestures at syempre true love. Although para saken mas naging visible ang true love sa book 2J Hindi ko po alam kung bakit parang kinikritik ko na ang dalawang book eh appreciation post to hahahahah baliw. Okay.
The Despicable Guy 2. Sobrang gusto ko ang kwento ng The Despicable Guy pero kung papapiliin ako between book 1 at book 2 pipiliin ko ang book 2 :D hahaha pero syempre mahal ko pa rin naman ang book 1. Sa book 2 ang daming element nagsisulputan meron ng angst , drama , death , heartbreak (AS IN SUPER HEARTBREAK Ako po ang nakaramdam nito sa simula xD) sobrang nasurprise ako sa mga nangyari sa simula pa lang nung book 2. It was a good kind of surprise para saken kasi may thrill hindi ko alam kung ano yung mga susunod na mangyayari. Every chapter was a surprise. Una talaga ang ineexpect ko sa book 2 kagaya ng ibang stories sa wattpad ay ikakasal ang KevJe tapos maraming drama ang mangyayari may magsusulpot na 3rd party ganun kagaya ng ibang book tapos magkakalabuan hanggang sa baka hindi na matuloy ang kasal ganun. Yun ang ineexpect ko pero mas better ang inihain na book 2 ni ate Leng. Yung kaibigan ko (Hi Mela! HAHAHA) yung nagsabi saken na nagbreak ang KevJe sa book 2 haha that time hindi ko pa nababasa yung book 2. Nanlumo ako nun parati ko siyang tinatanong kung anong chapter nagkabalikan ang dalawa kasi iiskip ko nalang baka kasi hindi kayanin ng puso ko haha. Yung sinabi niya sa akin na chapter na pinakamasaya raw is yung chapter 25 ata yun basta yun yung time na parang wala ng pag-asa magkabalikan ang KevJe tapos malapit na yun sa irereveal na ang totoong nangyari kay Kevin sa Germany. Pero sabi niya sa akin simulan ko raw sa una kasi kahit ganun daw yung nangyari sobrang ganda pa rin ng story. (Hindi ko ito nakakalimutan sobrang naexcite ako nun na mag chapter 25 tapos nung malapit na ako parang may mali bakit parang mas lumalala ang nangyayari HAHAHA).
The KevJe pakipot moments.Ang saya nung book 2 basahin para saken. Iexclude mo lang yung nangyari kay Kevin sa Germany. Gustong gusto ko yung sobrang naiiyak ako sa mga nangyayari tapos sobrang affected ako. Gustong gusto ko kasi yung mga scenes na in denial yung dalawa na mahal pa nila ang isa’t isa tapos kung anu-ano pang kabaliwan ang ginagawa nila. Sobrang kinikilig ako dun Sobrang naging emotional nga ako nung nagka truce ang dalawa tapos for the first the first time since their break-up tinawag ulit ni Kevin na Devil woman si Jersey. Naluha ako nun. Ang baliw ko lang. Ako lang ata ang naluha sa part na yun hahahah feel na feel ko talaga kasi nun yung emotion. Basta ang cute lang at nakakafrustrate nung pagdedeny ng dalawa ng feelings nila. Habang nagbabasa ako nun nung book 2 that time medyo hinihiling ko na magkaroon ng 3rd party hahaha wala lang kasi diba sa ganung way nila marerealize ang feelings nila pero na shock at nahurt lang ako nung nagka girlfriend si Kevin. Si Tracy. Huhuhuhu grabe nahurt talaga ako nun tapos medyo nainis kay Kevin (hindi pa kasi alam ang true reason nun) kaya naawa ako kay Jersey that time L Pero hindi ako nawalan ng pag-asa na magkakabalikan ang KevJe! HAHAHA Ano ba tong mga pinagsusulat ko HAHAHA
The Truth. Eto na! nung nalaman na ang totoong nangyari kay Kevin sa Germany ang sakit lang sa puso T_______________T grabe lang talaga yun. Umiyak lang ako sa buong paglalahad ni Maxene about sa nangyari sakanya. Tapos nainis ako kay Jersey that time! Sa sobrang awa ko kay Kevin medyo naging okay saken yung idea naging sila ni Tracy natanggap ko yun. Kasi nainis talaga ako kay Jersey huhuhuh tapos naaawa na talaga ako that time kay Kevin kasi kahit nangyari na sakanya yung mga yun sa Germany he still chose to be with Jersey. He took the risk kahit na alam niya na masasaktan na siya ulit. Basta yun yung ultimate proof na he loves Jersey talaga.Basta super shocking at super masakit sa puso yung mga nangyari sa chapter na yun.
THE ROOFTOP SCENE. ETO YUNG PINAKAFAVORITE KO NA PART SA TDG 2!!! Ito yung scene kung saan masaya yung nangyayari pero umiiyak ako. Promise ang saya lang. hahaha. Para kasing after all the chase, mga pagdedeny , mga pagtatago, mga kabaliwan NAGKABALIKAN NA ANG KEVJE COUPLE! *wipes tears of joy* Wohooo grabe! Parang after ng lahat ng sakit sa puso at frustrations mas naging super saya (and worth it) ang pagbabalikan ng KevJe! Ang sarap lang magcelebrate! Hahahaha Mas masaya basahin yung chapter na yun with background music!! Pakinggan niyo yung song doon sa chapter yung Everything by Lighthouse. Mas nakakadagdag sa feels! Basta mas maganda at mas emotional ang chapter pag pinakinggan niyo yung song lalomi na pag medyo nasa timing yung song! Magkakagoosebumps kayo promise. Ang galing ng author na pumili ng kanta at para saken ang perfect ng pagkakasulat niya nung scene nay un. Sobrang mafifeel mo talaga yung emotions between sa dalawa. Ang magical lang ng dating sobrang humanga talaga ako sa writing skills ni Ate Leng!
Syempre hindi sila magiging KevJe kung smooth sailing ang relationship nilang dalawa. After the rooftop scene nagtaka ako kung bakit ang dami pang chapters! Hahaha medyo ninenerbyos ako sa mga mangyayari napaka unpredictable kasi. Tapos basta si Ate Leng kasi yan she’s full of surprises palagi and isa pa sa mga nahalata ko is minsan yung mga little scenes may mas kinalaman yun sa big scene! example nung kay Marlo and Blanche yung dinadala ni Marlo si Blanche sa mga places na pinupuntahan nila ni Jersey hindi ko yun ineexpect. may mga iba pang scenes pero pag sinabi ko pa mas lalo nanaman to hahaba -.- basta ang isa pa sa super hinahangaan ko sa TDG ay yung writing syle ng author! Grabe ang galing niya talaga super witty super funny tapos punong puno ng love and life lessons yung dalawang book ng TDG (Hindi lang sa IIF and TMEUAS maraming pang GM marami din sa TDG. Actually lahat naman ata ng story ni Ate Leng marami laging pwedeng pang gm hahaha). Tapos dahil sa kanya I started listening to opm again. Ang ganda ng songs sa TDG tapos ang ganda ng taste ng author sa music. Napakacool niyang tao. Sobrang humahanga talaga ako sakanya hahaha
Fave ko rin yung sugarfree reunion concert scene SLASH Ang pagtanggap ni Jersey nung proposal ni Kevin. FEEL NA FEEL ko yung emotions doon! Promise! Tapos ayun umiyak nanaman ako -.- Kasi ang ganda nung scene na yun! Habang background yung “Ikaw Pala” tapos yun kinwento ni Jersey na kinanta rin ni Kevin yun sakanya before pumuntang Germany tapos nagpropose rin that time si Kevin napa “OMG OO NGA!!!O_O ” ako nung time na yun! Gaya nung rooftop scene super perfect nung scene na to.
Wedding. My favourite thing about the KevJe wedding is their Wedding vows. Sa lahat ng stories na nabasa ko na may wedding vows na included yung sa KevJe yung pinakafavorite ko hihihi nakakaiyak yung wedding vows nila eh. Daig yung mga stories ni Nicholas Sparks T_________T
Medyo bittersweet saken yung Wedding ng KevJe kasi end na ng story eh L Isa pa ata yun sa rason kung bakit sobrang umiyak lang ako sa wedding nila. Nakakaproud sila na nakakaiyak na masaya na ewan hahahah halo halong emotions eh. Tapos ang lungkot isipin na after nun hindi mo na mawiwitness yung magiging buhay nila (Although mabuti nalang at nagka special chapter!!!!! Sobrang saya ko lang nung nalaman ko na magkakaroon nun :”> ) Hindi ko alam kung bakit naaattach talaga ako minsan sa isang story (kagaya nung sa Fallen Series sobrang iyak rin ako nung natapos ko ang last book T______T (Read “Rapture Rant” sa baba for more details! Hahaha). Sobrang attached ako sa TDG eh kaya halos 2 years ago na natapos kong basahin yun inuulit ulit ko pa rin. Hindi nakakasawa andyan pa rin yung kilig tapos pag nakakaiyak yung scene maiiyak ka pa rin. Feeling mo parang first time mo lang ulit basahin. Ganun yung magic ng The Despicable Guy. Para sa akin hindi lang basta fictional characters sina Kevin and Jersey sina Amae, Sath, Jerro, Keith, Kat, Paolo, Kat, Jicker, Blanche, JM at iba pa para silang totoong tao kasi sobrang real na pagkaportray ng author sa kanila. That’s another magic of TDG. And maybe isa rin sa magic ng author. Nakakaamaze lang.
P.S gusting gusto ko yung character ni Jicker!! Hahahaha ang cute eh. Sana andun rin siya sa TDG 1 para nakasama natin siya ng mas matagal. Sobrang nakakatuwa basahin ang TDG 2 dahil sa kanya. :D
Grabe ang haba nito sana ganito rin ako kasipag pagdating sa mga mga assignments and projects and other school stuffs! HAHAHAHA